Pautot ni Buraot » The Fast and the Spurious
Hindi mo pa nai-bubunyag kung anong mas mabilis, alas-kwatro o siyam-siyam. Akala mo limot ko na no?. At oo, pinagbantaan kong susunugin ang blog mo pag hindi mo ni-reveal at kung inaakala mo na hindi ko tinotoo ang banta ko e nagkakamali ka. Nakatanggap ka ba ng mensaheng ganito?
Unfortunately, there has been an electrical fire at the data center housing Entrecard’s servers. The servers have not been damaged, but the site may be down for as long as 12 hours.
Entrecard is hosted with ThePlanet, and this fire has effected over 9000 websites, as many of the world’s most popualar websites are hosted with ThePlanet. They are working around the clock to get their data center back online, and we are hoping that they get it back online fast.
Malay ko ba naman kaseng hindi ka naman pala sa ThePlanet nagparegister ng domain mo no.
Anyhoo, kailangan ko ng bagong laptop kaya sasali ako sa pautot mo. Ayan, napili ko nga ang pautot mong The Fast and the Spurious. Kung hindi ako nagkakamali, eto yung kauna-unahan kong nabasa sa blog mo bukod sa Ang Mahiwagang Lansones. Pero sa ibang blog na’yun, hehehe. Kung bakit kamo peborit ko ang post na ito e wag mo nang itanong. Aabutin pa tayo ng siyam-siyam kung dedetalyehin pa natin. Mas okay ’tong ganito, walang deta-detalye para mabilis pa sa alas-kwatro e posted na’to.
Ayus ba repakols?
Mabilis ba sa alas-kwatro,
Kotsengkuba

nyeheheheh… ayos na ayos repapits… ang aga ng entry mo. pero oks na oks lang, kasi handam mo namang blogs. nyahahahah!
ibig sabihin, handami mo ding entry malamang. walangya, ang mura mura ng laptop ata jan sa pinagkukutaan mo kasi di ba jan ginagawa yun?
eniwey, tenchu tenchu… pasok na pasok ang entry mo. at ok, pagtapos ng pautot ko, dun ko na lang gagawin ang part two ng fast en spurious. nyehehhe.