Salamat sa Pansit, Salamat sa Batibot

Dear Ate Sienna,

Kilala mo pa ba ‘ko? (Clue: Hindi ako si Ate Ludz. Hahaha!)

Bandang Agosto nung una kitang na-istamble-apan sa blogosphere. Sa mga panahong ‘yon e naghahanap ka ng pwede mong ampunin sa Pansitan at isa ako sa mga balak mag-prisinta ngunit meron na pala akong domain noon kaya umatras nalang ako dahil ang inaampon mo pala e ‘yung mga walang domain. Sa mga panahong din na‘yon, dumadanak ang balde-baldeng dugo mula sa aking ilong dahil manu-mano akong gumagawa ng aking blog gamit ang aking mumunting kaalaman sa ASP (Active Server Protocol – sadyang nilagay ko ito para mahanap ng mga sploggers and post na ‘to). Sa madaling salita ay wala akong kamuwang-muwang na meron na palang blogging software nung mga panahon din na’yon.

Anyway, to cut the story short. Ikaw ang nagmulat ng aking kaalaman sa Wordpress. Halos mabasag pa nga ang bungo ko noon nang binanggit mo ang tungkol sa mga Templates at kung anu-ano pa tungkol sa Wordpress. Ano ba naman kase ang malay ko sa Wordpress. Okay, to further cut the story shorter. Naiisip ko lang, ang layo na ng narating ko mula nung una mong binanggit ang mga katagang Wordpress (na akala ko e advanced version ng MS Word at Word Star, hahaha!). Kung noon e wala akong kamuwang-muwang tungkol sa mga templates na’yan, ngayon po ay ibinubugaw ko na ang aking sarili sa mga nais magpa-ayos ng kanilang mga blogs at sinisingil ko po sila kapalit ang aking serbisyo. Isa na po akong bayaran ngayon. Hahaha!

Yun lang po. Maraming salamat sa pagbubukas ng aking kaalaman sa larangan ng blogging. Ngayon po ay pwede ko nang iwanan ang aking OFW career at mag-blog at magdesign na lamang ng mga Wordpress Templates habang nag-aalaga ng anak sa Pilipinas. Yehey!

Lubos na nagpapasalamat,

Kotsengkuba

P.S.

Hindi po ito ang ipinagmamalaki kong blog. Ito po ay isa lamang slumbook, sketchbook at tambakan ng basura. Eto po ang ipinagmamalaki kong blogs:

Comments

One Response to “Salamat sa Pansit, Salamat sa Batibot”

  1. ate sienna on July 2nd, 2008 12:53 am

    hoisttttt.. .na-touch naman ako dito sa entry mo. salamat sa pagbanggit sa akin.

    pero sa true lang, alam kong matatagpuan mo rin yun, even without my help. gusto kong isigaw “hindi tutuo ang himala… walang himalaaaaaa…. tao ang gumagawa ng himalaaaaaaa”

    hehehehe… o diba, feeling ate guy. pero salamat pa rin sa pagbanggit sa akin. o davah, bonggaders ka na kasi for sure mas marami ka nang alam kesa sa akin sa wordpress :)

Got something to say?